Putting my two cents on this topic/issue.
Medyo may tama naman, di lang consistent or tama yung ibang reasoning.
1. "malaking porsyento ng HIV cases ay dahil sa man to man."
Tama.
Based sa Q1 2026 HASP Report, mas mataas pa rin talaga yung transmission sa Male-Male o MSM (Men who have sex with men) na may 3,095 cases kumpara sa Male-Male/Female na may 567 cases at Male-Female na may 552 cases. Kahit na balikan pa yung ibang mga datos MSM pa rin yung mas mataas sa recent years.
2. "Nagbbuild-up daw yung HIV dahil sa syempre sa germs/bacteria". "Tae-tae yun e."
Mali.
Ang HIV ay hindi bacteria, HIV ngani, ibig sabihin Human Immunodeficiency VIRUS. Hindi rin dahil sa build up ng tae. 🤢
Ano-ano ba yung mga body fuilds na maaring magtransmit ng HIV?
Yung mga body fluids na nanggaling sa isang tao na may HIV (hindi alam ang status/hindi naggagamutan) sa pamamagitan ng mga sumusunod:
▪︎Semen/pre-cum/tamod
▪︎Vaginal o rectal fluid
▪︎Blood (via blood transfusion o sharing of needles
▪︎Human milk
3. "Kaya sya sa pwet lagi maano kasi mabilis magka-friction yung pwet, mabilis masugat tapos yung sugat na yon doon nalalagyan ng dumi, yung sperm na may HIV o modtaks"
Tama.
Dahil mas manipis at sensitibo yung rectal mucosa o lining sa loob ng pwet kumpara sa vaginal o oral mucosa (lining sa loob ng puke at bibig) mas mabilis sya magasgas o mapunit o masugatan. So kapag nagkasugat sa loob magkakaroon na ng point of entry yung HIV virus na nasa tamod ng isang taong PLHIV na hindi naggagamot o hindi alam ang kanyang status dahil di nagpapatest regularly. Pero hindi dahil sa nalagyang yung sugat sa loob ng dumi.
Nabanggit naman nila na may mga binasa sila na datos o report na ginawa nilang reference, pero kung hindi naman naintindihan mas maganda sana ipinagpa-ubaya na lang sa eksperto o may kaalaman sa topic na pag-uusapan.
Walang masama sa pagiging bakla, kung saan ka masaya doon ka. Walang masama sa pakikipagtalik mapa lalaki man o babae yan. Wag lang kalimutan na maging maalam at proteksyonan lagi ang sarili.
Panghuli, hindi lahat ng nabibigyan ng pagkakataon humawak ng micropono ay nararapat magsalita. Kung mabigyan ka ng pagkakataon, siguraduhin mo na handa ka at pinaghandaan mo kung ano man ang mga salita na lalabas sa bibig mo.
J E P A Y @JEPAYduHOLSTEIN“sa mga bakla, malaki chance sa kanila galing (HIV) kase nagpepwuetan sila” “nagbubuild up yung HIV dahil sa germs… tae tae yun eh” “eh sa pussy, may self-cleaning sila kahit hndi naliligo.” My gosh! Sino tong mga VOVOMAX na to? Nagresearch muna sana. Machong Chupaan 😂
1516800









